154

By

De Lima pinaiimbestigahan ang water shortage sa Metro Manila

Naghain ng Senate Resolution No. 1029 si opposition Senator Leila de Lima kung saan ay pinaiimbestigahan nito sa mga ‘appropriate Senate committee’ ang nagaganap na water shortage sa ilang lugar sa Metro Manila.

Nanawagan din ang senador na panagutan ng mga concerned government agency at mga private water concessionaires ang kakulangan sa pagbibigay ng uninterrupted at affordable na access sa potable water sa Metro Manila.

“The concerned government agencies and private concessionaires charged with the responsibility to provide access to clean, safe, and potable water should be held accountable for not only the shortage but even more so the lack of providing ample warning for a crisis that could have easily been mitigated or avoided,” pahayag ni De Lima.

Dapat din umanong masagot ang mga katanungan ng Kongreso hinggil sa pananagutan ng Manila Water upang maipaalam sa mga apektadong residente at makapaghain ng mga pre-emptive measure.

Noong Lunes, Marso 18 ay nagsagawa na ng pagdinig ang House of Representatives hinggil sa isyu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?