93

By

Dayuhan, Pinay todas sa pamamaril sa Olongapo

Patay ang dalawa katao habang kritikal naman ang isa sa naganap na pamamaril sa kahabaan ng Rizal Avenue sa Olongapo City nitong Biyernes ng umaga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pinagbabaril ang mga biktima ng isang dayuhang kasama nila sa loob ng sasakyan.

Naiwang patay ang isang dayuhan at kasama nitong Pinay habang kritikal naman ang isa ring dayuhan na siyang nagmamaneho.

Nakagapang pa ito at nakalabas ng sasakyan patungo sa katabing hardware para humingi ng saklolo habang ang batang babae na karga ng nasawing Pinay ay ligtas.

Agad namang isinugod sa pinakamalapit na ospital ang driver na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang tagiliran.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon sa naganap na pamamaril at pagkakakilanlan sa suspek at mga biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?