182

By

Dayanara tuloy sa pakikipaglaban sa skin cancer

Positibo ang pananaw ni Dayanara Torres sa kabila ng pinagdaraanang sakit na skin cancer.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng video clip ang Miss Universe 1993 habang sumasailalim sa ikatlong treatment niya para sa sakit, na sinimulan noong Marso

“Counting My Blessings. Always Surrounded by LOVE,” saad ni Yari sa caption ng clip.

Kasama niya sa ospital ang mga kapamilya niya at malalapit na kaibigan habang naglalaro ng board game.

Kita ang ngiti ng Puerto Rican beauty queen sa suporta na natatanggap niya.

Pebrero nitong 2019 nang inanunsiyo ni Dayanara na na-diagnose siyang may melanoma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?