47

By

Davis dumugo ang daliri, Lakers taob pa sa Nets

Sugatang umuwi ng US mula China si Los Angeles Lakers big man Anthony Davis.

Isasailalim agad sa tests si Davis para malaman kung gaano kalala ang right thumb injury na unang sinabi ng Lakers na na-sprain.

Nakuha niya ito sa first quarter ng 91-77 loss ng Lakers sa Brooklyn Nets nitong Sabado sa Shenzhen sa finale ng two-game China preseason series.

Nagsumite ng 22 points mula 8 of 11 shooting si Caris LeVert para pangunahan ang Brooklyn. May 14 points si Taurean Prince, nagbaba ng 11 rebounds si DeAndre Jordan sa loob ng 19 minutes.

Namuno ang 14 points ni Avery Bradley sa Lakers, may 11 si Kentavious Caldwell-Pope.

Mukhang ‘di naman malala ang injury ni Davis dahil ilang minuto pa siyang naglaro tapos ng insidente. Lumagutok ang daliri niya nang tangkaing butatain ang isang tira.

Pareho sina Davis at LeBron James ng stat line na 2 of 7 shooting, may tig-anim na puntos sa Lakers. Sa buong first quarter lang din sila kapwa sumalang, pareho nang di binalik.

Wala sa Brooklyn si point guard Kyrie Irving na naka-66 seconds lang sa two-game series.

May facial contusion si Irving, sandaling naglaro nitong Huwebes na may mask para protektahan ang basag na bahagi ng mukha. Isang minuto lang sa laro, nilabas na siya nang sumalpok ang mukha sa braso ni Rajon Rondo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?