34

By ,

Davis ‘di pakakawalan ni Griffin sa Pelicans

Nag-usap sina New Orleans Pelicans star Anthony Davis at David Griffin para talakayin ang vision ng bagong executive vice president sa franchise ngayong Miyerkoles (Huwebes sa Pilipinas).

Dagdag ng sources ng ESPN, inaasahan na nila na magpapatuloy ang pag-uusap ng dalawa.

Ang dagdag pa na pag-uusap sa kinabukasan ni Davis ay maaaring nakatuon sa pagitan ni Griffin at agent ni Davis na si Rich Paul, na dumalo rin sa nasabing meeting.

Ang 26-anyos na si Davis ay magiging free agent ngayong summer pero determinado si Griffin na mapanatili ito sa Pelicans kasabay ng planong ito na ma-draft si Zion Williamson ng Duke University bilang No. 1 overall pick.

Nagsimula na rin ang pagbabago sa front office sa pag-hire ng mga tauhan, medical at training staff at magpapaganda ng practice facilities nito.

Maraming nanliligaw kay Davis gaya ng Los Angeles Lakers at Clippers, Boston Celtics at New York Knicks pero pursigido si Griffin na muling makuha si Davis, na eligible ng pumirma ng five-year $235.5 million supermax contract extension sa Hulyo.

Noong Enero pa lang ay nag-request na ng trade si Davis matapos mabigo ang Pelicans na lumusot sa playoffs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?