108

By

Dave Ildefonso babalik sa Ateneo, iiwan ang NU

Posibleng bumalik sa bakuran ng mga Eagles ang kanilang dating manlalaro sa juniors na si Dave Ildefonso.

Ayon sa ilang report, may tsansa na umalis na sa National University ang nakababatang Ildefonso at lumipat sa Ateneo, na kung titingnan ay may posibilidad lalo’t umalis na ang kanyang tatay na si Danny I sa poder ng Bulldogs.

Sa UAAP Season 82 ay nag-average si Dave ng 17.1 points at 5.8 rebounds, ngunit nawalan ng saysay matapos na tumapos sa 2-12 record, pinakahuli sa collegiate league.

Hindi pa nagsasalita si Dave ukol sa nasabing issue, ngunit kung sakali ay magkakaroon pa ng dalawang taon na playing year sa Ateneo matapos ang one-year residency.

Matatandaan na dating pinuna ni Ateneo coach Tab Baldwin ang naging desisyon ni Dave na lumipat sa NU.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?