391

By

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 5.3 na lindol

Inuga ng magnitude 5.3 na lindol ang Davao Oriental nitong Martes ng hapon.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro nito sa may 49 kilometro silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental dakong ala-1:39 ng hapon.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 39 kilometro.

Pero batay sa US Geological Survey, isang magnitude 5.6 na lindol umano ito at sa 23 kilometers southeast ng Mati City ang epicenter.

Naramdaman ang Intensity 4 sa Davao City na nagresulta ng evacuations sa mga establisyimento, eskuwelahan at ospital.

Intensity 3 naman sa Lebak, Sultan Kudarat; Alabel at Malapatan sa Sarangani; Bislig City at Hinatuan sa Surigao del Sur; Butuan City sa Agusan del Norte; General Santos City sa South Cotabato at Gingoog City.

Nakaranas naman ng Intensity 2 ang San Francisco, Southern Leyte; Santa Cruz, Davao del Sur; Koronadal City, South Cotabato; Magpet, Cotabato; Kalilangan, Bukidnon; at Cagayan de Oro City.

Ayon sa Phivolcs, wala silang inaasahang damage o aftershocks matapos ng lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?