48
abante-tnt-vismin-earthquake
By

Davao Oriental, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang bahagi ng Davao Oriental, Linggo ng madaling araw.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang pagyanig bandang alas-2:30 Linggo ng madaling araw sa may layong 19 kilometers sa southeast ng bayan ng Cateel.

Tectonic ang origin ng lindol na nasa 31 kilometers ang lalim ng pagyanig.

Wala namang naitalang nasugatan at nasirang ari-arian at wala ring naganap na aftershocks matapos ang pagyanig.

Samantala, nakaramdam naman ng Intensity III sa bayan ng Lingig, Surigao del Sur habang nasa Intensity I ang nagpauga sa Bislig City, Surigao del Sur.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?