44
Davao Oriental dinuyan ng lindol
By

Davao Oriental dinuyan ng lindol

Inugoy ng magnitude 3.9 na lindol ang ilang bahagi ng Davao Oriental kaninang madaling-araw (Pebrero 16).

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang episentro ng lindol sa layong 64 kilometro sa bahaging timog-silangan ng Tarragona sa Davao Oriental dakong alas-12:20 ng madaling-araw.

May lalim itong 45 kilometro at tectonic ang dahilan ng pagyanig habang naitala ang Intensity 1 sa Gingoog City at Tupi, South Cotabato.

Walang naitalang pinsala at aftershocks sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?