46

Feb 20, 2020 @ 19:08
By

Davao Occidental ginulat ng magnitude 5.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Davao Occidental nitong Huwebes, Pebrero 20.

Ayon sa Phivolcs, nai-record ang lindol ng 5:54 ng hapon sa southeast ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 186 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa General Santos City; Intensity III sa Kiamba, Alabel, at Malungon, Sarangani; at Tupi, South Cotabato; Intensity I naman sa Kidapawan City at Koronadal City.

Walang inaasahang pinsala sa lindol pero posible ang aftershocks, ayon pa sa Phivolcs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?