316
lindol-earthquake
By

Davao del Sur inuga ng magnitude 6.9 na lindol

Tumama ang magnitude-6.9 na lindol sa Davao del Sur ngayong Linggo ng hapon, Disyembre 15.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ito alas-2:11 ng hapon sa anim na kilomtero northwest ng Padada municipality.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 30 kilometro.

Naranasan naman ang Intensity VI sa bayan ng Matanao.

Sa ngayon, wala pang naiulat na pinsala sa lugar ngunit sinabi ng Phivolcs na dapat asahan ang mga aftershock.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?