82
Dating Viva Hot Babe, waging konsehal sa Angeles City
By

Dating Viva Hot Babe, waging konsehal sa Angeles City

Isa nang konsehal sa Angeles City, Pampanga ang dating miyembro ng Viva Hot Babes na si Jaycee Parker.

Idineklara ng aktres ang pagkapanalo sa kaniyang Instagram nitong Miyerkoles.

“Taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta at tumulong sa amin… maraming salamat po sa pagkakataon na maglingkod sa inyong lahat. Gabayan nawa ako ng dios. Agyu tamu!” ani Parker sa caption.

Pumang-apat si Parker sa mga city council candidate sa 57,834 votes, batay sa partial at unofficial results mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting.

Ang asawa niyang si Jericho Aguas ay outgoing Angeles City councilor na.

Si Aguas ay dating asawa ng yumaong si Isabel Granada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?