1,121

By

Dating teammate ni LeBron nabaliw

Viral ngayon sa social media ang video ni former National Basketball Association player Delonte West nang maispatang bukod sa pagiging busabos ay pinagbubugbog pa sa kalsada.

Bago ang insidente, taong 2016 may report  hinggil sa pamamalimos  ng  6-foot-3 guard dahil sa wala ng pera at matutuluyan.

Tuluyang nalugmok ang dating NBA journeyman nang magkadiperensya sa pag-iisip.

Naka-7 NBA season si Delonte. Una sa Boston Celtics nang tapikin siyang 24th pick sa 2004 NBA draft.

Nakapag-Cleveland Cavaliers at Dallas Mavericks din siya bago bumaba sa NBA G-League at maging import sa China.

Hinirit naman ng mga fans na saklolohan siya ng pamunuan ng NBA dahil naging parte rin ito at nakapag-ambag sa organisasyon.

“Apparently Delonte West was seen getting beat up in the street this Morning. I went to school with him and it’s crazy to see just how his life has gone downhill since the NBA,” tweet ni @N90sKindOfWorld.


“I can’t believe this is Delonte West. @NBA please help him,” sabi naman ni @gfstarr1.

Taong 2010 natsismis ding nakarelasyon ni West ang nanay ni NBA star LeBron James na si Gloria kung saan kumalat pa ang balita sa noo’y opisina ng namayapang si NBA Commissioner David Stern.

Naging magkakampi sa Cleveland noon sina LeBron at Delonte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?