20

By

Dating tambay lang sa law firm: Pusa naging ‘abogado’

Nagtalaga ng panibagong ‘cattorney’ ang law firm na Order od Attorneys sa Brazil.

Ni-recruit bilang abogado ang pusang si Leon matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa mga tao sa reception area tungkol sa naliligaw na pusa.

Natuwa naman dito ang mga netizen nang ibinahagi ni Dr. Jeanette Laredo sa Facebook ang kanilang bagong empleyado.

Sabi niya sa Facebook post:

“After a heavy rain, this little guy here seeking shelter from the storm went inside the OAB building ( Brazilian equivalent of ABA, American Bar Association) and decided to stay.

Unfortunately some people started to file some complaints about the fact that at the reception desk there was a stray cat hanging around and trying to make friends with the newcomers.

In order to avoid some new complaints the board gave the solution: Hire the cat as an employee.”

https://www.facebook.com/groups/2400545690011701/permalink/2621181751281426/

Sa una ay taga-salubong lang sa mga taong pumapasok sa gusali si Leon, ngunit tumaas ang kanyang ranggo bilang abogado kung kaya’t siya ay tinatawag nang Dr. Leon.

Ayon sa ulat ng Bored Panda, nagreklamo ang mga empleyado dahil maliit si Leon at baka siya ay maapakan ng mga tao.

Sabi ng representatives ni Dr Leon sa Bored Panda, “Two months ago Leon was neutered and is already fully recovered. But veterinarians say he had a problem with his vocal cords as a result of suffering as a baby. He hardly meows, but we keep taking care of him. This motivated us to create the institute to help abused and abandoned animals.

Unfortunately, we cannot house all [the animals], so we will fund the NGOs in town. We will be an example for Brazil [to follow].

Sa ngayon, mayroong Instagram si Dr. Leon na may mahigit sa 76,900 na mga followers, kung saan pwedeng subaybayan ng kanyang mga tagahanga ang mga ginagawa niya.

Nagsilbi rin ang pusa bilang inspirasyon para maglunsad ang OAB ng isang institusyong karapatan sa hayop – na tinatawag na Instituto Dr. Leon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?