189
arestado
By

Dating pulis na wanted sa pagpatay sa tiyahin ni Bata Reyes, arestado sa Gapo

Nadakip ang dating pulis na pumatay umano sa tiyahin ni “Magician” Efren “Bata” Reyes.

Ayon sa ulat, naaresto si dating Patrolman Elias Gamboa, 45, dakong alas-11:00 ng umaga sa munisipalidad ng Bajac, Olongapo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 1 para sa kasong murder.

Nakatalaga umano si Gamboa sa Meisic Police Station ng Manila Police District bago ito nagtago matapos akusahan na pumatay kay Victoria Pangilinan, 60, noong Marso 20, 2005 sa Maynila.

Tinatayang 19 na beses umanong sinaksak ni Gamboa ang biktima matapos nilang magtalo.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Regional Special Operations Unit ng NCRPO ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?