371
VERGEL-MENESES

Dating PBA star Vergel Meneses bagong Bulacan mayor

Tagumpay ang pagtawid sa politika ng dating PBA player na si Vergel Meneses matapos Manalo bilang bagong alkalde ng Bulacan, Bulacan.

Ayon sa datos ng Comelec, nakakuha na si Meneses ng 23,469 ng boto bandang ala-una ng madaling-araw, ang kanyang kalaban na si Piccolo Meneses na nakakuha naman ng 16,476 ng boto.

Si Meneses ay isang PBA legend, naglaro para sa ilang koponan at nakakuha ng MVP award noong 1995 para sa Sunkist.

Dati na rin itong tumakbo bilang bise alkalde ng parehong lugar ngunit natalo noong 2016. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?