125
soco12
By

Dating parak tinambangan sa Sampaloc, patay

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang dating pulis sa Sampaloc, Manila.

Nangyari ang pamamaril alas-11:00 ngayong Sabado ng tanghali (Mayo 12) sa P. Florentino St., Brgy. 475, Sampaloc.

Kinilala ng España at Sibama Police Community Precinct ng Manila Police District ang biktima na si James Rivera, dating pulis na nakadestino sa Tondo.

Sa pagsisiyasat nabatid na residente ng R. Cristobal, Sampaloc ang biktima.

Ayon sa mga nakasaksi, isang babae at isang lalaki ang suspek sa pamamaslang na agad tumakas matapos isakatuparan ang krimen.

Nirerebyu na sa kasalukuyan ang CCTV sa bisinidad ng pinangyarihan ng krimen para sa agarang pagkakakilala sa mga salarin.

Patuloy naman ang follow-up operation ng MPD hinggil sa pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?