193

Dating OFW walang inuwiang pamilya, bahay sa PH

Walang pamilya at bahay na inuwain ang dating overseas Filipino worker (OFW) na si Romeo Ordaz nang bumalik sa Pilipinas.


Ito ang kwento ni netizen Mae Regala nang makausap ang lalaki sa SM Southmall noong Oktubre 27, 2019.

Batay kay Regala, hinahanap pa rin ni Ordaz ang mga magulang nitong sina Arturo at Conchita hanggang ngayon.

Umuwi si Romeo sa Maynila noong taong 2011, matapos magtrabaho bilang inhinyero sa Riyadh, Saudi Arabia.

Pinost din ni Regala ang larawan ng mga pasaporte noon ng OFW at nanawagan sa publiko na tulungan siyang hanapin ang pamilya ni Ordaz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?