291

By

Dating matinee idol Jose Mari Gonzales, pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang dating sikat na aktor at San Juan representative na si Jose Mari Gonzales nitong umaga ng Martes sa edad na 80-anyos.

Kinumpirma ng anak nito na si Cristina “Kring-Kring” Gonzalez-Romualdez ang pagpanaw ng ama. Ang sanhi ng pagmanaw nito ay dahil sa pneumonia at cardiac arrest.

“Goodbye Dad! You have been a Blessing to Mom me jolong mike anna chemari and to our whole family. I am blessed to have you as my father. So many good memories with you and Mom since we were little never failing to take us with you on your trips out of town. Being quite strict to us but within reason. I have learned so much from you. You will always be in our hearts! We love you Dad!” ayon sa post ni Kring-Kring.

Unang ibinahagi ni Aster Amoyo, kilalang showbiz writer ang pagpanaw ni Gonzalez. Ilalagak ang kanyang labi sa Heritage Memorial Chapel sa Taguig City simula bukas hanggang Biyernes.

Kanyang iniwan ang kanyang maybahay na si Rosario “Chayong” Mallarky-Gonzalez, mga anak na sina Gonzalez-Romualdez, Jose Luis, Michael, Anna at Jose Mari, Jr. maging ang kanyang mga apo.

Nakilala si Jose bilang matinee idol ng Sampaguita Pictures na nakagawa ng ilang mga pelikula kasama ang mga tanyag na aktor at aktres tulad nina Amalia Fuentes, Dolphy, Susan Roces at Eddie Gutierrez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?