91

By

Dating kaaway ni Kris na si Nicko Falcis, inaresto sa NAIA

Nakaabang na kay Nicko Falcis ang mga miyembro ng Bureau of Immigration at National Bureau of Investigation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Nitong Huwebes ay sinorpresa ng mga awtoridad si Falcis, na dating business partner ng aktres na si Kris Aquino, nang hulihin ito paglapag sa NAIA mula Thailand.

Ang pagdakip ay sa bisa ng dalawang warrant of arrest na inisyu sa Taguig Regional Trial Court Branch 117 at Branch 70 dahil sa estafa at paglabag sa access devices regulation act.

Kasama ni Nicko ang kanyang pamilya sa oras nang arestuhin ito.

Nakilala si Nicko matapos ang isang taong bangayan nila ni Kris dahil inakusahan sa pagnakaw ng milyon sa credit card ng Kris Cojuangco Aquino Productions at nagsampa ng 44 counts ng qualified theft kontra sa dating business partner.

Ngunit noong Oktubre ay nagkaayos na ang dalawang kampo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?