48

Dating isyu ni Romeo, iwas si Castro

Hindi alintana ng TNT leader ang dating isyu sa dating kontrobersyal na kakampi.

MALIBAN sa desperadong manalo, walang ibang motibasyon kay Jayson Castro nang pangunahan ang TNT KaTropa sa panggulat na 104-93 win kontra San Miguel Beer Linggo ng gabi.

“Wala naman,” tipid na sagot ni Castro nang matanong kung may extra motivation nang humarap sa post-game interview sa Smart Araneta Coliseum.

“Siyempre, defending champion ‘yan, at the same time kailangan naming manalo. Kapag natalo kami, nandoon na naman kami sa pinakababa.”

Hindi nakalaro si Romeo dahil sa sprained ankle na nakuha sa season debut, ang 124-118 loss sa Columbian Dyip noong Jan. 18.

Ayaw tumbukin ni Castro ang isyu, mas nag-focus sa pangalawang sunod na panalo ng TNT tungo sa 2-2 overall na pumantay sa biktima at sa Columbian sa standings ng PBA Philippine Cup.

Muling inako ni Castro ang pamumuno sa KaTropa, naglista ng 24 points sa perpektong 9 of 9 two-point field goals at 11 assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?