19

By

Dating I.B.I member Kim So Hee parte na ng Nature

Nilantad ng n.CH Entertainment ngayong Martes, Oktubre 8, 2019, na opisyal nang magiging parte ng K-pop girl group Nature si South Korean singer Kim So Hee.

Hulyo 2019 nang lisanin ni Kim ang Music Works.

Naging kalahok din ito sa palabas na “Produce 101,” kung saan naging miyembro ito ng mga grupong C.I.V.A at I.B.I.

Sasamahan ng Korean star sina Aurora, Saebom, Lu, Chaebin, Haru, Uchae, Sunshine, at Loha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?