98

By

Dating FlipTop rapper nadakma sa shabu

Arestado ang dalawang lalaki kabilang ang isang dating FlipTop rapper matapos mahulihan ng iligal na droga sa isang anti-drug operation sa Pasay City.

Kinilala ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, ang dalawang nadakip na si Andy Jamolin, alyas “Andy G”, kilalang dating FlipTop rapper, at ang kasama niyang si Joseph de Vera, alyas Oseng, kapwa nasa hustong gulang at naninirahan sa Barangay 156 ng nasabing lungsod.

Base sa report ni Police Captain Deni Mari Pedrozo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit, alas-siyete ng gabi nang maaresto ang dalawang suspek sa Barangay 156.

Nakuhanan umano si Jamolin ng isang sachet ng shabu habang dalawang sachet naman ang narekober kay De Vera.

Ayon kay Pedrozo, isang tawag mula sa concerned citizen ang natanggap nila bago ikasa ang operasyon hinggil sa bilihan umano ng iligal na droga sa nasabing lugar.

Sinabing bumili umano ng droga si Jamolin kay De Vera nang ito ay arestuhin ng mga awtorodad.

Sa ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 12 ng Republic Act 9165 o possession of illegal drugs ang dalawang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?