315

By

Dating DJ na si ‘Papa Tolits’ nadakma sa pot session

Naaresto sa umano’y drug den sa isang subdivision sa Barangay Bahay Toro, Quezon City ang dating radio DJ na si Marieto Laureno o mas kilala na “Papa Tolits”.

Ayon sa inisyal na report, naaktuhan si “Papa Tolits” at tatlo pa sa pot session sa Diosa Village.

Nakumpiska sa operasyon ang 25 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P170,000 ang halaga.

Nagpositibo umano ang apat sa drug test, ayon sa PDEA-NCR.

Itinanggi naman ni “Papa Tolits” na tulak siya ng droga pero umaming nakagamit na noon ng bawal na gamot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?