70

Aug 18, 2018 @ 16:15
By

Dating cricketer, bagong Pakistan Prime Minister

Nanumpa bilang bagong Prime Minister ng Pakistan ang dating cricketer na si Imran Khan.

Nailuklok siya bilang punong ministro sa pamamagitan ng botohan sa ginanap na National Assembly nitong Biyernes.

Ang partido niyang PTI ang nanalo sa karamihan ng bakanteng puwesto sa ginanap na halalan noong Hulyo.

Mangiyak-ngiyak si Khan habang nanunumpa sa pangunguna ni President Mamnoon Hussain.

Dumalo sa seremonya ang mga miyembro ng 1992 cricket World Cup winning team na binalikat ni Khan sa kampeonato noon. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?