64

By

Dating anti-terrorism adviser ni Duterte pumanaw na

Yumao ang dating security at anti-terrorism consultant ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa ulat ng Inquirer, namatay si retired Police Brig. Gen. Francisco Jose Villaroman dakong ala-una ng madaling-araw noong Enero 14 sa isang ospital sa Quezon City dahil sa matagal nang karamdaman.

Isang one-star general sa Philippine National Police si Villaroman bago naging pinuno ng Davao City Public Safety and Security Command Center nang maging Davao City mayor si Pangulong Duterte noong 2013.

Nagsilbi rin si Villaroman bilang police commander ng Cagayan Valley region at director ng Clark Development Corporation.

Tumakbo siya sa pagka-alkalde sa San Rafael, Bulacan noong 2019 elections pero hindi pinalad na manalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?