15,270

Apr 2, 2020 @ 14:43
By

Dating aktres, ex ni Coco Martin timbog sa buy-bust

Arestado ang dating aktres na si Katherine Luna at ang live-in partner nito sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya Miyerkules ng gabi sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Police Lt. Col. Rex Gaoiran, hepe ng Rodriguez Municipal Police Station, aabot sa pitong gramo ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa dating aktres na si Katherine Luna, Katherine Diaz Eson, sa tunay na buhay, 32, at live-in partner nitong si Jonathan Jocson, 37, traysikel drayber.

Si Luna ay dati din naging nobya ng sikat na actor na si Coco Martin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?