342
Dashcam footage ng pagkamatay ng Korean actress, ‘di tugma sa pahayag ng mister
By

Dashcam footage ng pagkamatay ng Korean actress, ‘di tugma sa pahayag ng mister

Hindi tumugma ang dashcam footage sa car accident na ikinamatay ng Korean actress na si Han Ji Sung sa pahayag ng kaniyang asawa.

Noong Lunes nasawi si Ji Sung matapos mabundol ng dalawang sasakyan.

Ayon sa kuwento ng mister ng biktima, inihinto ng 28-anyos na si Ji Sung ang Mercedes-Benz nila sa highway dahil kinailangan niyang magbanyo.

Sa kasawiang-palad, pagkalabas ni Ji Sung ng sasakyan ay nabundol ito ng taxi at isang SUV.

Nalaman lang umano niya ang nangyari sa misis nang matapos niyang umihi.

Pero sa kuha ng dashcam ng ibang sasakyan, hindi tumugma ang statement ng asawa ni Ji Sung.

Makikita umano sa footage na nakalabas na si Sung sa sasakyan at tumakbo ito patawid sa kalsada.

Nangyari ang aksidente sampung segundo lang ang nakalipas nang makarating ang mister sa guard rail para umihi.

Sa ganoon umanong kaiksing oras pati na sa ingay ng aksidente ay imposibleng hindi malalaman ng lalaki ang aksidente.

Samantala, magsasagawa ng awtopsiya ang mga awtoridad para masagot ang mga espekulasyon hinggil sa pagkamatay ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?