2,072

Feb 26, 2020 @ 15:03

Darryl Yap mahilig sa mga bata

Nandidiri ngayon ang ilang netizen kay ‘VinCentiments’ writer-director Darryl Yap sa mga umano’y mahahalay na komento sa mga bata.

Kalat sa social media ang mga hiwalay na tweet ni Yap na “may crush ako, bata :),” “Masarap Ang Bata,” at “mga ilang mababait na bata kaya ang makakaranas ng lambing ko :)”

Sa tugon din sa ilang netizen, umamin ang direktor na 1) nagkaroon ito ng pitong-taong relasyon sa isang menor-de-edad at 2) nakulong siya noong 2013 sa mga kasong “condoning a minor” (pagkupkop sa naglayas) at “seduction with consent” (having malicious relationship with a minor).

Depensa ni Yap, “lambing” ang taguri niya sa kanyang pagiging strikto sa kanyang mga mag-aaral, at sinabi niya ang “masarap ang bata” bilang tugon sa isang nang-reject sa kanya dahil mukha siyang bata.

“Pedophile” ang turing ng ilan sa “Jowable” director, na aniya ay dapat nang makulong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?