164

By

Darren nagtapos na may honor

Graduate na ng senior high school si Kapamilya singer Darren Espanto.

Nagtapos si Darren ng high school under ng homeschool program noong Sunday, Nov. 24, sa Alabang, Muntinlupa City.

Maliban sa naka-graduate ay may baon pang First Honor award, The Achiever award at Excellence in Music and Arts award ang singer.

Dumalo sa seremonya ang ina ni Darren kasama ang dalawa niyang tiyahin, uncle, pinsan at kanyang manager na si Sam Samaniego.

Masaya itong binalita ni Darren sa kanyang Instagram post noong Nov. 25.

“I thought it was impossible to achieve this. Thankful that I did not doubt myself. Today, I am officially a graduate of SENIOR HIGH and very excited to go through the next level. It is true that HARD WORK PAYS OFF,” aniya.


Samantala, binati rin ng Homeschool of Asia Pacific, kung saan nag-aral si Darren, sa na-achieve nito.

“Darren finished his Grade 12 homeschool program under HAP’s [United States] school affiliate in Texas named Sanston Academy,” saad ng HAP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?