109

By

Darren nagpasiklab sa Chinese singing competition na ‘Singer 2019’

Nagpamalas ng nakamamanghang vocal range si Kapamilya singer Darren Espanto sa finale ng Chinese singing competition na “Singer 2019”.

Nakipagsabayan siya sa magaling na child singer na si Daneliya Tuleshova na mula Khazakstan, Polina Gagarina ng Russia at rapper Air mula sa China sa rendition nila ng sikat na “We Are the World” noong April 12.

Ibinahagi ni Darren ang clip ng kanyang naging performance sa Instagram.

Panoorin ang buong performance niya sa ibaba:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?