560

By

Darren Espanto nakakuha ng standing ovation sa Singer 2019

Nagpakitang-gilas si Darren Espanto sa pinakamalaking singing competition sa Tsina, ang Singer 2019.

Kasama ang Russian singer na si Polina Gagarina, na isang contestant at ang dalawang pang artist na si Daneliya Tuleshova at AIR, kinanta nila ang ‘We Are the World’ sa harap ng milyon-milyong Chinese viewers.

Napili si Darren ng mga producer ng Hunan TV show noong nakaraang Enero.

Matatandaang sumali rin si KZ Tandingan sa Singer 2018 kung saan ilan sa mga nakalaban niya sina Jessie J, Tien Chong, Angela Chang, at Juno Su.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?