203
Darren ‘di makapaniwala sa pagkamatay ng ex-road manager
By

Darren ‘di makapaniwala sa pagkamatay ng ex-road manager

Hindi matanggap ni singer Darren Espanto ang pagkamatay ng kanyang dating road manager na si Karen Hernandez, na tinadtad ng saksak dahilan ng pagpanaw nito.

Sa post ni Darren sa Instagram, inilahad niya na nanginig siya sa nasabing balita at inalala ang mga mabuting nagawa ni Karen sa kanya.

“Actually, ayaw ko maniwala sa totoo lang. Sobra kasing masakit. Napakabuti mong tao,” ayon kay Espanto.

“You will forever be my “Ate Karen”. I will keep all the memories that we had through the good times and the bad and I will always remember the things you’ve taught me in the past.”

Si Karen, ang tunay na pangalan ay Carmencita Pelayo, ay dating road manager para sa MCA Music at executive sa Ivory Music.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?