60
Darren Criss nagsuot ng Barong Tagalog sa kasal niya
By

Darren Criss nagsuot ng Barong Tagalog sa kasal niya

Ipinagmalaki ni Emmy award-winning actor Darren Criss ang lahing pinagmulan niya matapos magsuot ng Barong Tagalog sa kasal nila ng kanyang fiancee na si Mia Swier sa New Orleans noong Feb. 24.

Sa Instagram post ni Filipino fashion designer Francis Libiran, binigyang-pugay ni Darren ang pagiging dugong Pinoy sa pagsusuot nito ng Barong na gawa ng una.

Ayon sa Vogue, nagsuot si Criss ng Giorgio Armani shawl-collared tuxedo sa seremonya ng kasal at nagpalit ng Barong Tagalog sa reception kung saan isinayaw niya ang Cebuana niyang ina na si Cerina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?