367

By

Daraga Mayor Baldo, hinainan na ng subpoena

Naisilbi na umano ang subpoena kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Miyerkoles.

Ayon sa report ng Inquirer, sinabi ni Bicol Police Regional Office spokesperson Chief Insp. Malu Calubaquib, na sinabihan na si Baldo na harapin at sagutin ang reklamong inihain laban sa kanya ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagpatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe at sa police escort nitong si SPO1 Orlando Diaz.

Ang ina umano ng alkalde ang siyang tumanggap ng subpoena sa kanilang bahay na inisyu ng Office of the Provincial Prosecutor ng Albay.

Nauna rito, nagsampa ng kasong double murder at six counts ng frustrated homicide ang PNP laban kay Baldo at sa anim pang kasabwat nito sa pagpatay kay Batocabe.

Si Mayor Baldo ang itinuturong utak sa pagpaslang sa kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?