101
Mindanao bilang 'food basket' ng Pinas, prayoridad ng DA
By

Dar 2nd option lang: Ex-Agriculture Sec Lorenzo kursunadang ibalik ni Duterte

Isa si dating Agriculture Luis “Cito” Lorenzo Jr. sa mga kinunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipalit sa nagbitiw na kalihim ng Department of Agriculture na si Manny Piñol.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa pahbubukas ng Dusit D2 Hotel sa Davao City noong Biyernes ng gabi.

Sinabi ng Pangulo na hindi lang niya kasi mahagilap si Lorenzo noong panahong naghahanap ito ng ipalit kay Piñol kaya si Secretary William Dar na ang kinuha nito.

Pabirong sinabi ng Presidente na huwag na lang sabihin kay Dar dahil baka magtampo ito na naging dahilan para magtawanan ang mga bisita.

“Sir I have a new secretary of Agriculture. And…I was really considering you. I just could not find you . In the previous years, you were everywhere. Be it in the hotels and the.. So I settled for somebody who was a farm boy and huwag mo na lang sabihin sa kanya,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na bilib siya sa mga Ilonggo dahil mayroon silang solusyon sa lahat ng suliranin sa buhay.

Si Lorenzo ay nagsilbing Agriculture Secretary sa ilalim ng Arroyo Administration na nasangkot sa fertilizer fund scam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?