19
Daquis, Cignal lakas ng konek
By

Daquis, Cignal lakas ng konek

Mga laro Huwebes/Oktubre 10:
(Malolos Sports Convention Center)
2:00pm — Cignal vs PLDT
4:00pm — Foton vs Sta. Lucia
6:00pm — Petron vs Marinera

Pinahaba ng Cignal HD Spikers ang kanilang winning streak sa apat matapos silang akayin nina Rachel Anne Daquis at Alohi Robins-Hardy sa 25-14, 25-14, 22-25, 25-18 panalo laban sa Marinerang Pilipina Lady Skippers sa Philippine Superliga Invitational Conference kahapon sa Bacoor Strike gym, Bacoor City.

Nagdeliber si Daquis ng 11 kills, limang service aces at isang block para sa kanyang 17 points habang si Robins-Hardy ay nagtala ng 11 excellent sets, may 11 puntos mula sa walong attacks, dalawang blocks at isang service ace kasama ang 12 digs para sa HD Spikers na isang panalo pa at swak na sila sa semifinals.

“I’m happy because my players are very eager to win each game. These victories are the results of our hard training,” hayag ni Cignal coach Edgar Barroga. “Although they played relaxed and failed to follow our defensive pattern in the third set, they still worked their way back into the game.”

Bumakas si national team stalwart Mylene Paat ng 10 pts. habang tumipa sina Janine Navarro at Ranya Musa ng walo at pitong puntos, ayon sa pagkakasunod, para sa Cignal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?