31

By

Daquioag sinikwat ng TNT

Ipinagpapatuloy ng TNT KaTropa ang pagpapalalim at pagpapalakas sa koponan para sa susunod na season matapos hablutin sa kanilang komposisyon ang shooter na si Ed Daquioag sa trade sa Rain or Shine Elasto Painters.

Inihayag mismo ng PBA sa website nito Martes ng hapon ang trade kung saan makukuha ng Elasto Painters ang karapatan para sa second round draft pick ng KaTropa sa 2020 at 2021.

Nakuha ng TNT ang draft rights sa NorthPort Batang Pier at ang 2022 mula sa San Miguel Beermen.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nalipat si Daquioag matapos unang piliin ng Meralco sa 2016 Gilas draft bago ito inilipat sa Rain or Shine noong 2017.

Ang 28-anyos na si Daquioag ay parte ng binubuo ng Elasto Painters na batang koponan kasama sina Javee Mocon at Rey Nambatac.

Una naman isinagawa ng TNT noong Enero 6 ang pagbabago sa koponan matapos na ilipat nito si Mike DiGregorio tungo sa Alaska Aces para kay Simon Enciso kapalit ang 2023 second round pick.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?