95
Daquioag bumida, ROS nilaglag ang NorthPort

Daquioag bumida, ROS nilaglag ang NorthPort

Sa pagbuhos ng 15 points ni Eduardo ‘Ed’ Daquioag, Jr.,pinagbakasyon ng Rain or Shine ang NorthPort, 91-85, sa quarterfinals at tumapak sa semifinals ng PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay Linggo ng gabi.

Kinailangan lamang ng Elasto Painters ang isang laro upang agad na tumuntong sa Final 4 kung saan makakasagupa nito ang magwawagi sa sariling serye ng Barangay Ginebra San Miguel at Magnolia Pambansang Manok.

Sinandigan ng E-Painters ang 20-16 na pag-atake sa ikalawang yugto upang makabalikwas sa maagang angas ng Batang Pier tungo na sa pagsungkit sa panalo at magbalik sa semifinals ng pinekapresthiyosong komperensiya ng propesyonal na liga.

Ibinagsak ng E-Painters ang walong sunod na puntos tampok ang magkasunod na tres ni Nambatac at Norbert Torres upang agawin ang kalamangan sa 22-17 sa ikalawang yugto matapos na maghabol sa unang yugto bago nito itinala ang 10 puntos na abante sa pagtatapos ng first half, 43-33.

Agad napag-iwanan ang second seed RoS sa pagsisimula ng laro bago unti-unting dumikit sa pagtatapos ng unang yugto at maghabol na lamang sa tatlong puntos, 14-17, kontra sa seventh seed Batang Pier.

Ang iskor:
Rain or Shine 91 – Daquioag 15, Nambatac 14, Belga 13, Ponferada 8, Norwood 8, Mocon 8, Yap 7, Ahanmisi 5, Torres 5, Borboran 4, Rosales 4, Maiquez 0, Onwubere 0, Alejandro 0.

NorthPort 85 – Tautuaa 24, Lanete 20, Grey 11, Pringle 9, Taha 7, Bolick 5, Guinto 4, Flores 0, Gabayni 0, Sollano 0.
Quarters: 14-17, 43-33, 73-62, 91-85.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?