7,096

‘Dapat lahat tayo mamatay!’ Pasyente nangtanggal ng face mask, dumura sa medical staff

Naiyak ang isang medical staff sa Shijiazhuang, Hebei matapos alisin ng isang may lagnat na lalaking pasyente ang kanyang face mask at duraan siya sa mukha, sabay sabi: “Kung ‘di na ako mabubuhay, edi dapat mamatay ka na rin.”

Kinwento ito sa WeChat ng medical staff sa isang kaibigang Chinese national, na pinost naman ang pag-uusap nila sa Weibo.

Ayon pa sa Yahoo TW, hindi pinayagang mag-holiday ang nasabing staff kahit pa Chinese New Year noon dahil kailangan nila ng tao sa ospital.

Nag-alok aniya ang medical staff ng face mask sa lalaki para hindi na lumala ang sakit nito, ngunit biglang nagalit ang pasyente.

“I’m already sick, what’s the use of wearing a mask now?,” ayon sa salin ng World of Buzz.

Saka nito inalis ang face mask ng staff at dinuraan sa mukha. Pinaniniwalaang nagalit ang lalaki sa kulang na medical resources sa kasagsagan ng pagkalat ng coronavirus sa China.

May katulad na pangyayaring pinost ang isang Wuhan doctor sa Weibo, kung saan sinira ng kamag-anak ng isang pasyente ang kanyang protective clothing.

Bulalas nito: “Why are you wearing protective gear? If I’m going to die then we will all die together!”

Pumalo na sa 80 ang bilang ng mga nasawi dahil sa novel coronavirus (2019-NcoV) ngayong Lunes, Enero 27, habang nasa 2,744 katao na ang nagkaroon na ng nasabing virus sa dayuhang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?