28
Danny, Mikey, Shawn nakalinya kay Manny
By

Danny, Mikey, Shawn nakalinya kay Manny

Danny Garcia, Mikey Garcia o Shawn Porter.

Ito ang mga posibleng sunod na makakaupakan ni WBA welterweight champion Manny Pacquiao, ayon kay Manny Pacquiao (MP) Promotions Sean Gibbons.

“Danny Garcia, Mikey Garcia, there’s other guys out there to fight. Shawn Porter,” saad ni Gibbons sa pagbisita nito sa unang pagkakataon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila Martes.

Kagagaling lamang ng 40-ayos na si Pacquiao sa split decision victor para agawin ang 147-pound belt ni Keith Thurman nitong July 20 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Bago ang laban kay Thurman, kasama na sa listahan ng posibleng makaharap ni Pacquiao sina Danny at Mikey Garcia ngunit natalo ito kay reigning International Boxing Federation (IBF) champion Errol Spence via unanimous decision.

Samantala, si Porter naman, dating sparring partner ni Pacquiao at current WBC champion ay nakatakdang humarap sa isang unification match kontra kay Spence sa Setyembre na gaganapin sa Staples Center sa Los Angeles, California.

“Let’s say if Shawn Porter somehow came out winning, he can get into the mix. I’m not against fighting Shawn Porter,” giit ni Gibbons sa session n aka-partner ang San Miguel Corporation, Braska Restaurant, Amelie Hotel-Manila at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?