625

By

Daniel, Kathryn ‘di hinayaang kumain mag-isa si Joshua

Hindi na kataka-taka kung bakit maraming tumatangkilik sa samahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil bukod sa galing sa pag-arte, kita din ang kabaitan nito kahit off camera.

Sa post ng ABS-CBN Music head na si Roxy Liquigan, ipinakita nito ang ginawa ng dalawa sa after-party ng ‘Asap Natin ‘To’ sa California.

Sa mga larawan ay makikitang sinamahan nina DJ at Kath ang fellow actor na si Joshua Garcia para kumain.

“In fairness talaga Kay Kath and djp, Ng Makita nila si Joshua na kumakain Ng mag Isa dito sa after party, talagang lumipat sila Ng table at tinabihan si joshua. :)” ayon kay Liquigan.

Marami ang pumuri sa dalawa dahil sa pakikisama sa kapwa artista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?