402
Daniel Fernando lumobo ang kalamangan laban sa katunggali sa Bulacan
By

Daniel Fernando lumobo ang kalamangan laban sa katunggali sa Bulacan

Naaamoy na ni Vice Governor Daniel Fernando ang pag-upo bilang gobernador ng Bulacan matapos lumayo pa ang kalamangan niya sa pinakamalapit na kalaban.

Batay sa partial at unofficial transmitted votes, nakakuha na si Fernando ng 696,624 votes habang si Malolos Mayor Christian Natividad ay mayroong 400,576 votes.

Pito ang kalaban ni Fernando sa gubernatorial race sa Bulacan.

Samantala, inaasahan naman ang landslide victory ni outgoing Bulacan Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado sa vice gubernatorial race dahil sa 800,452 votes, malayo sa 420,650 votes ni League President Josef Andrew Mendoza.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?