521

By

Dani todo depensa kay Kiefer, Gilas

‘Di na nakapagtimpi si Ateneo de Manila University volleybelle Dani Ravena sa mga namba-bash sa Gilas Pilipinas tapos malugmok sa 0-3 sa 18th FIBA World Cup 2019 sa China.

“Daming niyong say, ‘di naman kayo marunong mag-basketball,” tweet ni Ravena (@ravenadani).

Kabilang ang kapatid ni Dani na si Kiefer Isaac Ravena sa miyembro ng Gilas na lumaban para sa bansa sa 16 na araw na torneo.

“Pero sige go lang bash lang ng bash. Habang sila nagti-train ang nagpapakahirap i-represent yung country, nandiyan kayo sa harap ng cellphone niyo magdamag. Aral or trabaho rin sumtymes. Dami masiyado time,” sambit pa ni Ravena.

Hindi pinalad na makasungkit ng panalo ang national team sa laban sa Italy (62-108), Serbia (67-126) at Angola (81-84). (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?