224
Dame Time! Lillard sinalpak ang pampanalong tres, nilaglag ang OKC
By

Dame Time! Lillard sinalpak ang pampanalong tres, nilaglag ang OKC

37-feet ang layo sa basket, walang problema para sa Portland Trailblazers star na si Damian Lillard.

Dikit ang laban hanggang dulo, ang Portland habol na matapos na ang serye. Ang Oklahoma City Thunder, nais pang maipwersa ang Game 5 para hindi pa matapos ang laban.

Sa dulo, tabla ang laro sa 115-all, 12 segundo ang nalalabi ay itinawid ni Lillard ang bola sa half-court.

Sinasayawan ni Lillard si Defensive Player of the Year candidate Paul George malapit sa logo, biglang binitawan ang napakalayong tres ilang dipa lang ang layo sa center court.

Pasok ang bola, 118-115. Pasok ang Trailblazers sa second round para ikasa ang semis clash kontra Denver Nuggets o San Antonio Spurs.

Tumapos si Lillard ng historic stat line, kumolekta ng 50 points, seven rebounds, anim na assists at 10 tres para sa Rip City.

Samantala tumapos nang may 36 points, nine rebounds si George, may 29 markers, 14 dimes at 11 boards naman si Russell Westbrook.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?