550

By

Dambuhalang sunfish, inanod sa Australian beach

Inakala ng isang mag-asawa sa Australia na malaking kahoy lang ang nakita nila sa baybayin, iyon pala ay higanteng isda.

Natagpuan nina Linette Grzelak at Steven Jones ang may 1.8 metrong laki ng patay na sunfish sa Murray River sa Coorong National Park sa South Australia.

Kakaiba ang itsura ng sunfish dahil flat ito at hugis oval at may palikpik na parang maliit na pakpak.

Nagtitimbang umano ito ng higit pa sa karamihan ng sasakyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?