57

May 17, 2020 @ 9:41
By

Dambuhalang cobra dumulas malapit sa istasyon ng tren

Isang king cobra ang nahuli malapit sa isang train station sa Singapore.

Viral online ang video ng pagdakip sa ahas ng mga animal rescuer noong Mayo 3.

Unang hinawakan ng Acres rescuer ang buntot ng king cobra at gumamit ng wooden pole para maalis ang hayop sa lupa.

Nang masunggaban na niya ang ulo gamit ang kanyang kagamitan, tumulong ang isa pang rescuer upang mabitbit ang ahas papasok sa isang asul na lalagyan.

Kalaunan, pinakawalan ulit ang naturang king cobra–ang pinakamahabang makamandag na ahas sa mundo–sa gubat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?