135

By

Dambuhalang 31 rebounds hinablot ni Fajardo

Sabwatan sina Alex Cabagnot at June Mar Fajardo upang pagbidahan ang San Miguel Beer sa pag-ahon sa third quarter 17 points down at alpas sa Magnolia Pambansang Manok, 72-71, sa winner-take-all Game 7.

Kinopo ng SMB ang fifth straight Philippine Cup title nila Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Si Cabagnot ang hinirang na Best Player of the Game pagkaraang lumaklak ng 18 points, kabilang ang salpak na game winning basket sa last 57 seconds, na naging final tally na dahil ‘di na nakaiskor pagkaraan ang magkabilang team.

Nagposte naman si Best Player of the Conference Fajardo ng all-time 31 rebounds pang-ibabaw sa 17 pts. para hirangin ding Finals MVP.

Samantalang may krusyal ding 17 markers at 11 boards si Arwind Santos na nagsemento sa SMB sa pagiging winningest team sa 44-year-old pro league sa 26 championships buhat sa 41 Finals stint.

Mainit ang simula ng Beermen sa 7-0 run na tinapos ng layup ni Fajardo.

Pero nag-iba agad ang ihip ng hangin pabor sa MPM, dumistansya ng 15 pts. sa second quarter, na napalawig sa 17 sa third period, 43-26, mula sa 2-pointer ni Mark Barroca, 9:31 sa gameclock.

Huling kinapitan ng Hotshots ang 71-70 kalamangan sa huling dalawang minuto mula sa lay-up ni Ian Sangalang bago dumating ang pamuwing na tirada ni Cabagnot.

Huling sumablay si Jio Jalalon sa natitirang 3.9 segundo upang mabigong maagaw ng batalyon niya ang korona.

Nilimitahan ng Hotshots sa limang puntos lang ang Beermen sa ikalawang yugto upang itala ang 15 puntos na abante, 38-23, tapos na maghabol sa simula ng laro.

Napantayan ng limang puntos ng Beermen ang all-time lowest output sa isang quarter sa PBA Finals na tatlong beses naitala ng Alaska Milk, huli noong 2015 Philippine Cup sa first quarter ng Game 1 kontra San Miguel.

Namuno si Sangalang sa mga magmamanok sa 13 puntos.

Ang iskor:

San Miguel 72 – Cabagnot 18, Santos 17, Fajardo 17, Ross 7, Lassiter 5, Romeo 4, Standhardinger 4, Rosser 0, Pessumal 0.

Magnolia 71 – Sangalang 18, Reavis 11, Lee 11, Jalalon 8, Barroca 7, Ramos 6, Melton 5, Dela Rosa 3, Brondial 2, Herndon 0.

Quarters: 20-24, 25-38, 50-58, 72-71.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?