297

By

Daloy ng trapiko sa Tandang Sora, usad-pagong na

Ramdam na ang mabigat na daloy ng trapiko sa Tandang Sora Avenue sa Commonwealth, Quezon City matapos na isara ang flyover para sa konstruksyon ng MRT-7 noong Marso 2.

Sinabi ni Quezon City Councilor Ranulfo Ludovica, umaga pa lamang ay usad-pagong na ang daloy ng trapiko mula Quezon City Circle at pagsisikip pagdating sa Commonwealth Avenue.

Aniya, posible umanong naging sanhi sa pagbibigat ng daloy ng trapiko sa lugar ang pag-okupa ng halos dalawang lane ng mga nagbababa at nagsasakay na mga jeep at bus, gayundin ang mga nag-aabang na mga pasahero.

Dahil dito ay plano ng pamahalaang lungsod ng Quezon na mag-deploy pa ng mga karagdagang tauhan na may mga hawak na megaphone na tutulong sa MMDA constables at traffic enforcers upang atasan ang mga commuter at mga pampasaherong sasakyan na huwag okupahin ang dalawang lane.

Iwas-pusoy naman ang kontrakor ng ginibang flyover at sinabing bahala na umano ang pamunuan ng MMDA ang magsabi kung nakakasagabal ba sila sa daloy ng trapiko sa nasabing lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?