21

By

Daliri ni Romeo nasaktan

Nasa pangalawang laro pa lang si Terrence Romeo sa San Miguel mula injury, inabot na naman ng disgrasya ang eksplosibong guard Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Naupo si Romeo sa unang pitong laro ng Beermen sa PBA Commissioner’s Cup dahil sa Achilles injury na nakuha sa Finals ng Philippine Cup, unang naglaro sa midseason conference noong July 5 sa 109-105 win kontra NLEX. Nagsumite siya ng 6 points at 4 assists.

Sa 1:27-minute mark ng third quarter kontra Phoenix, lumagutok ang hinliliit ng kaliwang kamay ni Romeo nang mabangga kay Fuel Masters big man Dave Marcelo.

Inilabas ang gunner at ‘di na nakabalik.“’Di pa namin alam,” sagot ni SMB coach Leo Austria nang matanong kung gaano kalala ang injury ni Romeo. “Basta na-dislocate lang ‘yung daliri niya.”

Nagsumite si Romeo ng 13 points mula 4 of 5 shooting, 3 rebounds, 4 assists sa loob ng 17:27 off the bench.

Sa unang pagkakataon sa torneo ay nakadalawang sunod na panalo ang San Miguel para umangat sa 4-5 at paypayan ang paghahabol sa top eight na aabante sa quarterfinals. Solo ng Beermen ang seventh spot, sa ibaba ng parehong 5-5 na Rain or Shine at Magnolia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?